top of page

Liham

Liham

Ang Liham Project ay nagmula sa pagbibigay ng mga sulat bilang paraan ng pakikipag-ugnayan sa ating mga mahal sa buhay. Sa live workshops, hinango ng participants ang ganitong uri ng komunikasyon, at ginamit ang pagguhit ng mga larawan at pagsusulat ng mga liham upang maitala, mapagnilayan, at maikwento ang kanilang mga karanasan bilang mga migranteng manggagawang Pilipino, at upang makatulong rin sa pagtahak sa buhay habang nalalayo sa kani-kanilang mga pamilya, lalo sa kalagitnaan ng pandemya.

POST BOX:

Mga liham na isinulat at iginuhit ng mga migranteng manggagawa para sa kanilang mga mahal na buhay, komunidad at iba pang mga kababayan.

Pindutin ang mga imahe para pakinggan ang artist.

Day 1: Basics ng pagguhit at pagkukulay

Sinimulan namin ang session sa warm-up exercises, pagguhit, pag-shading, at pagkukulay ng mga simpleng hugis na 3D. Sa workshop na ito ay iginuhit ng participants ang mga bagay na nagpapaalala sa kanila ng kanilang mga mahal sa buhay.

Day 2: Paggawa ng sobre

Gamit ang envelope bilang representasyon ng paglalakbay at paglalaman ng mga kwento, gumawa ang participants ng sobre mula sa blankong papel, at dinisenyuhan ito bilang isang anyo ng self-portrait, ayon sa kung paano nila nakikita ang kanilang mga sarili bilang mga OFW.

Day 3: Pagguhit ng mga lugar o landscape
 

Gumawa ang participants ng mga postcard na naglalarawan ng kanilang mga paboritong lugar habang sila ay nasa ibang bansa. Dito sa workshop na ito, aming pinag-usapan ang kanilang mga paboritong gawin at puntahan tuwing day-off.